A Travellerspoint blog

Making a FERRY tale, come true....

Catamaran ferry from Guadalupe station to Plaza Mexico

sunny 33 °C

Me and MamaJong, planned that trip one week ahead, kesehodang kami lang dalawa, wa ker, as long na matuloy ang plan namin.....
We tried to sleep at least 6 hours that night para maging very beautiful ang result sa aming pictures....
Well! it shows naman, even without make-up angat ang kagandahan naming dalawa...wahahahaha!

2do.jpg

Sa Guadalupe Station pa lang, super pictorial na kami, di naman masyadong nakakahiya kasi marami kaming kasamang mga turista, so feeling feelingang tourists kami.... hehehe!

Guadalupe ferry station

Guadalupe ferry station

Nung magboard na kami sa ferry, we smell the unique aroma of the river (^_^) sariling atin talaga, pero pag nasa loob kana ng ferry, super lamig naman and wala na tlaga ang amoy pero tingnan nyo nakatulala pa rin ako, medyo na high ako sa amoy ng Ilog Pasig, pwede na sya pamalit sa rugby sa sa katol na nakaka-adik...hehehe
Pasig Ferry

Pasig Ferry

...... ang ganda pa ng view na makikita mo, the Makati City Hall, back view ng Malacanang Palace, na bawal picturan... hehehe! and plus factor pa ang mga batang naliligo sa ilog Pasig, queber sa maduming ilog.. hehehe!

do.jpg

Exactly an hour we reached the Plaza Mexico Station, very accommodating ang mga crew ng ferry, ask sila kung taga san kami, syempre! para talaga magmukhang turista, I told them na taga DAVAO kami, we came here for vacation lang...wahehehe!... kaya may I offer agad si Kuya na picturan kami,....

Plaza Mexico Ferry Station

Plaza Mexico Ferry Station


Pagdating namin sa Plaza Mexico, nakita agad namin si Kuyang Guard na nakasuot ng makalumang kasuotan.... hehehe! papicture agad kami sa kanya, may malaking istatwa din don, I thought si Manuel L Quezon un.... yun pala Mexico President pala..wahahahaha

Plaza Mexico Intramuros

Plaza Mexico Intramuros

Kahit tirik na tirik ang araw sa aming mga bunbunan...(wow, tagalog?) go and make akyat the wall of Intramuros talaga ang drama namin, papicture sa kalawanging Canyon, from afar makikita mo ang Manila cityhall with the significant clock;-)
Intramuros

Intramuros

tunnel in Intramuros

tunnel in Intramuros


Lagusan sa Intramuros

Lagusan sa Intramuros


We went to the not so plain road,ung Gen. Luna St heading to San Agustin church, but sad to say, close ang church that time.... so sa labas na lang nagpapicture si MamaJong.
Intramuros

Intramuros

We decided to look for the Manila Cathedral na lang, after ng maraming tanungan narating din namin ang cathedral, sobrang daming tourists, mostly mga Koreans..... after a lil prayer, we did the picture taking agad...
Manila Cathedral

Manila Cathedral


Paglabas namin, inaproach ako nung isang Calesa driver, sabi nya.... Ma'am would you like to ride in the horse drawn....??? medyo bitin ang statement ni Kuya.. kaya I just gave her my best smile, tapos si MamaJong na naman kinausap nya... ang sabi nya.... Sir, gusto nyo pong sumakay ng Calisa?? hehehe! Love u Koya talaga,..... di ko alam kung akala nya foreigner din ako (syempre sa black side ako no!) I don't want to say about N****, kasi according to my Journalist friend, politically incorrect and very racist daw ang statement ko.... weeeehhhh.... ISTORYAHEEEEE!!!!!! lol alangan naman, sabihin ko lang na napagkamalan akong foreigner, baka akalain nila na feelingerang bullfrog ako na nangangarap na maputi ang balat, so just to emphasize and clarify everything, I put that N**** word...... hehehee! comment to d max tuloy sa FB account ko ang whorenalist friend ko....wahahaha!

Outside Manila Cathedral

Outside Manila Cathedral

After our lunch, may I punta na kami sa Fort Santiago, go agad sa entrance gate, kasi very atat na sa pictorial... ng biglang nag backward step si MamaJong, and may I say agad na " Ang tagal naman nila! hintay hintay na lang muna tayo"... I gave him my clueless facial expression! Di ko Getz!!!! sobra! un pala nakita ko ang karatulang ENTRANCE FEE - 75pesos...... wahahahahaha! kaya ang ginawa namin pictorial na lang sa labas ng Fort Santiago..($_$)

Right after that, we went back to the ferry station, we waited for about 2 hours but it was worth it, ang ganda ng view, sa sobrang init nawala ang amoy ng ilog.... mapapa-wow ka tlga sa view.....

Posted by donna_sage 08:00 Archived in Philippines Tagged cruises Comments (0)

(Entries 11 - 11 of 46) Previous « Page .. 7 8 9 10 [11] 12 13 14 15 16 17 .. » Next