One stormy Boracay
-the other side of this island paradise-
10.11.2011 - 10.14.2011
I was little bit hesitant to pursue this trip because I don't want that I will be stranded again in Bora. Pero masyadong nagpupumilit si Ramon na sumama sa aming trip, kaya sige go lang ng go, kinaya ko nga si Frank nun na signal #3 si Ramon pa kaya na tropical depression lang ang dala...wahahahaha!
Best jump shot ni Joms!
We arrived in Kalibo Airport which is 1 hour travel to Caticlan, sa labas pa lang ng airport may mga L300 van na going to Caticlan, they charge 200pesos inclusive of the boat ride going to Boracay. But that day nagsimula ng nagparamdam si Ramon, medyo umuulan na pero di naman malakas.
With Bagyong Ramon
Along the way, napag-usapan na namin ni Myprime na she will all do the talking, para di kami makapagbayad sa terminal and environmental fees. Pagdating namin sa terminal nakalusot sa Myprime sa baggage check in counter, pero nung nasa babae na sya na nagchecheck ng ID, di na sya nakalusot. Hiningan ba naman sya ng ID to prove na nagwowork sya sa Boracay, binigyan ba naman nya ng ID from Makati City, clueless tuloy si ate kasi di nya akalain na may callcenter na pala sa Bora...wahahahaha! At dahil napahiya si Myprime, dinaan na lang nya sa galit-galitan portion ang drama.
At ito namang si Joms Senosa, amnesia boy ang kanyang drama, akala daw nya na wednesday pa ang alis namin going to Bora, kaya Tuesday afternoon na sya nakaalis sa Iloilo City, kaya sa Cagban port sya nakatulog at mga Koreans ang kanyang kasama.. buti nga sa kanya! wahahaha!
Wala kaming sinayang na time, nag night swimming agad kami and ate at Deco's Resto, Myprime told me that they serve the best batchoy in town... Yes na lang ako sa kanya, hehehe!
Rainy Wednesday talaga ang experience namin, good thing na walang hangin na kasama and di rin malalaki nag waves, That's why I enjoyed a lot, mas okay maligo na umuulan....
That Thursday, wala na si Ramon iniwan na nya kami sa Boracay. Very happy na kami! We went to Din-iwid Beach, a mountain away from Station 1...hehehehe! Mas maganda ang view don kasi may mga rock formations, pero ang sand medyo di katulad sa Stations 1 and 2 na very fine.
Way to Din-iwid Beach
Diniwid Beach
Pumunta rin kaming Mt Luho ito ung highest point ng Boracay. Super ang ganda ng view from there, You can see the Boracay Stations 1,2 and 3. And from the other side you'll have the perfect view of the Puka Shell Beach and the Bulabog Beach. And you can see the Carabao Island from afar. I just love the thought na di lang pala puro beach ang makikita ko sa Bora. I just discovered the other side of this island paradise.

Mt Luho Entrance
View from the top of Mt. Luho
Ang di ko lang matanggap ay ang sobra kong paglobo... ang laki na ng pinagkaiba, 3 years ago na binisita ko ang Bora with Bagyong Frank... look oh! hehehehe....
donna
Posted by donna_sage 10:28 Archived in Philippines Tagged mountains beaches beach mt boracay philippine luho din-iwid